(818) 552-4503

Magbabalik na sa Pechanga ang World Championship ng WCK Full Rules Muay Thai

Comment: Off

MuayThaiAng World Championship Muay Thai, na itinatag ni Dennis Warner at In Sync Productions, ay magdaraos ng kanilang championship fight sa Abril 6, 2013 sa Pechanga Resort & Casino.

Ang WCK Full Rules Muay Thai ay unang nagpalabas sa Pechanga Resort & Casino noong Hulyo 19, 2008 kung saan ay pumasok sa labanan ang tatlo sa mga kinikilalang manlalaban mula sa Thailand na sina Kaensak Soh, Kongnapa at Neungsiam, para subukan ang kanilang kasanayan laban sa tatlong kampeon na nagmula sa ibat ibang bahagi ng mundo: sina Fabio Pinca (Pransiya), Shinichiro Ohno (Hapon) at Hector Pena (Estados Unidos).  Ang nakapupukaw na labanang ito ay muling darating sa Pechanga, ngunit sa pagkakataong ito ay mas kapuna-puna at nakakapangilabot.  Ang championship fight sa Abril 6 ay pinangungunahan din ng iba pang mga kampeon, tulad nina Jemyma Betrian (bilang Golden Girl), Baitong Sumalee, Dave Nielson, Mike Lemaire, Malaipet, Joe Davidson, Josh Aragon at Bradley Gauchino.

Ang Muay Thai ay isang uri ng “combat martial art” na nagmula sa Thailand na naging laganap sa buong mundo at sa ngayon ay pinanghahawakan ng World Boxing Council (WBC).  Ginagamit dito ang stand-up striking kasama ang magkakaibang clinching techniques.  Ang pisikal at pangkaisipang disiplina, kabilang na ang pakikipaglaban ng nakapaa, ay kilala bilang “sining ng walong armas” dahil ito ay naglalarawan ng pinagsamang pag-gamit ng kamao, siko, tuhod at paa.  Ang mga manlalaban ay maaaring magsuot lamang ng reglamentong gwantes nap am-boksing para lumaban sa tatlong minutong suklong; habang walang proteksiyon ang kanilang siko, tuhod at paa.  Ang dinamikang larong ito ay nagbibigay ng mga mabibilis at maatikabong labanan kung saan ay gamit ng mga nakikipagkompitensiya ang kanilang buong katawan para makapunto at maharangan ang mga sumasabog na banat.

Kasing-kapanghikayat ng tunog nito, ang world-title boxing event na ito ay siguradong makapagpapatalon at makapagpapasigaw sa iyo.

Bumili na ng tiket para maranasan ang katuwaan at masiyahan sa labanan ng mga kampeon.  Ang mga tiket ay mabibili sa halagang $100 at $40 lamang.  Para sa karagdagang impormasyon o bumili ng tiket, tumawag sa 1-877-711-2946 o pumunta sa www.pechanga.com.

Halina at ng maranasan ang lahat ng ito sa Pechanga Resort & Casino

Bilang pinakamalaking casino sa kanlurang Amerika, ang Pechanga ay napapaloob sa AAA Four-Diamond Luxury resort na nasa puso ng Southern Californiaʼs Wine Country sa Temecula Valley. Ito ay mayroong mahigit sa 3,800 slots, higit pa sa 130 table games, at 54-table poker room.  Ipinagmamalaki ng resort ang pinag-ibayong lupain ng Journey at Pechanga course, na tinaguriang ika-apat na “Best New Course You Can Play” ng GOLF Magazine noong 2009.  Ang 445-acre resort ay may kumpletong serbisyo sa kanilang spa, tampok ang coupleʼs massage suite; siyam na award-winning restaurants; food court na bukas ng 24 oras; mga sikat na bituin sa Pechanga Theater; mga labanan ng world title boxing;  isang comedy club; at tatlong night clubs at lounges, kabilang na ang Silk – ang pinakamalaking nightclub sa Southern California.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2win (1-877-711-2946) o pumunta sa www.Pechanga.com.  Lokasyon: 45000 Pechanga Parkway, Temecula, CA 92592.

Sakay na sa Luxury Tour Bus 

Ang Luxury Tour Bus ay bumibiyahe ng balikan sa Pechanga Resort & Casino araw-araw.  Halina na kayo at makibahagi sa kasiyahan.

About the Author

Related Posts