(818) 552-4503

Journey at Pechanga: kabilang sa Top 20 courses sa California

Comment: Off
Journey at Pechanga Golf Course

Journey at Pechanga Golf Course

Temecula, Calif – Matatagpuan sa kalagitnaan ng mga burol ng Temecula Valley ang Journey at Pechanga na kinilala bilang ika-19 na best public course sa California.  Ang karangalan ay inilathala sa “Best Courses You Can Play” annual guidebook for 2013 ng Golfweek magazine.

Ang kapurian ay karagdagan sa kanilang napakarami nang tinanggap na parangal, kasama na ang ranggong kabilang sa mga nangungunang casino golf courses sa Estados Unidos ng Golfweek at LINKS magazines at Best in the Inland Empire ng California Travel & Tourism Commission.

“Ikinagagalak naming matanggap ang karangalan bilang isa sa mga pinaka-magandang golf courses sa buong estado,” sabi ng kanilang Director of Golf na si Scott Mallory.  “Sinisiguro namin na mabigyan ang bawat panauhin ng walang katumbas na kasiyahan.  Kung sila man ay nandito para maglaro ng 18 holes o para kumain sa club house, ang aming layunin ay mabigyan sila ng hindi malilimutang karanasan.”

Ang Journey at Pechanga na may 62,000-square foot club house at propesyonal na golf school ay bukas sa publiko araw-araw mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 y media ng gabi.  Para maglaan ng tee time o para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.Pechanga.com/golf o tumawag sa (877) 711-2946.

 Halina at ng maranasan ang lahat ng ito sa Pechanga Resort & Casino.

Matatagpuan sa Pechanga Resort & Casino ang pinakamalaki at pinakamalawak na casino/resort sa kanlurang  Estados Unidos.  Hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2003, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na  libangan, bilang pang-isang araw o pang-matagalang bakasyunan.  Handog ang mahigit sa 3,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 na kuwarto sa hotel nito, mga kainan, spa, at championship golf sa Journey at Pechanga, ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad.  Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-888-PECHANGA (1-888-732-4264) o pumunta sa www.Pechanga.com.  Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @PechangaCasino.  Ang Pechanga Resort & Casino ay bukas ng 24 oras. Kinakailangnang may edad ng 21 anyos at pataas para makapasok sa casino.

About the Author

Related Posts