(818) 552-4503

Ipagdiwang ang Asian New Year Kasama ng Lucky Lion Dancers sa Pechanga Resort & Casino

LunarHumandang ipagdiwang ang Taon ng Kabayo sa Pechanga Resort & Casino! Maraming kulturang Asyano, kabilang ang Chinese, Taiwanese, Korean, Vietnamese, Indonesian, Malaysian, at iba pa, ay magdiriwang ng Lunar New Year sa 2014 sa Biyernes, ika-31 ng Enero. Sa susunod na araw, inaanyayahan ng Pechanga Resort & Casino ang lahat na makisaya at makisali sa pagdiriwang na may libreng palabas mula sa Lucky Lion Dancers na magsisimula ng 3pm. Ang leon ay pupukaw at magsisimula ng pagsayaw sa entrada ng Pechanga Hotel Valet at tutuloy sa buong casino floor. Ang mga executives ng Pechanga Resort & Casino ay sasama sa lion dancers at mamimigay ng pabuwenas na aguinaldo sa pulang sobre sa mga bisita.

Kung ang manalo ng bagong kotse ay tila nakahihikayat na paraan upang ipagdiwang ang Bagong Taon, magplanong dumalo sa Pechanga Resort & Casino. Mula Pebrero 1-Pebrero 28, ang mga manlalaro ng table games na mananalo ng piling laro sa Baccarrat, Pai Gow, at Blackjack ay mananalo ng mga tiket upang makilahok sa pabunot ng Grand Prize sa Biyernes, ika-21 ng Pebrero at Biyernes, ika-28 ng Pebrero. Tuwing 6pm at 7pm ng bawat Biyernes, sampung mga kalahok ang pipiliing manalo ng $500 o $1,000 na Pechanga Easyplay. Bawat gabi, isang masuwerteng manlalaro ay uuwing sakay sa isang bagong 2014 Mini Cooper na may halagang higit sa $20,000.

Sa buwan ng Pebrero, ang mga manlalaro sa Pechanga ay mas seswertehin pa sa promosyon ng Lucky Red Envelopes. Bawat Martes at Huwebes sa buwang ito, maaaring gamitin ng mga Pechanga Club Card holders ang kanilang member card sa mga kiosk sa tapat ng Pechanga Box Office. Sa bawat kaskas, ang mga manlalaro ay maaaring manalo ng hanggang $1,000 sa Pechanga Easyplay. Ang mga kakaskas para manalo ay sadyang kasali na sa Grand Drawing na gaganapin sa Linggo, ika-23 ng Pebrero. Bawat oras mula 1pm hanggang 7pm, sampung manlalaro ang pipiliing makilahok sa pagkakataong manalo ng hanggang $5,000!

Inaalok ng Pechanga

Resort & Casino ang pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa dakong kanluran ng EstadosUnidos.  Hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2003, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na para an, para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon.  Nag hahandog ng mahigit sa 3,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 na kuwarto sa hotel nito,mga kainan, spa at championship golf sa Journey ng Pechanga, ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad.  Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ngmga Luiseño Indians.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-888-PECHANGA (1-888-732-4264) o pumunta sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @PechangaCasino.  

 

About the Author

Related Posts