(818) 552-4503

Ipagdiriwang ng Pechanga ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula ika-12 hanggang ika-16 ng Hunyo

Gary Valenciano

Temecula, CA – Ito na ang pinakamalaking pagdiriwang ng Pechanga Resort & Casino para sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas!  Limang araw na paggunita sa Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong taong 1898 ang sisimulan sa ika-12 ng Hunyo hanggang sa katapusan ng linggo.

Pinamagatang “Mabuhay” at kasama si “Mr. Pure Energy” na si Gary Valenciano bilang pambungad ng selebrasyon, ang limang araw na pagdiriwang ay mapupuno ng musika, sayawan, kainan, kantahan, katatawanan, patimpalak, at  iba’t ibang palabas at pagtatanghal ng Kulturang Pilipino.  Pupunuin ng dekorasyong Pilipino ang resort at iikutan ng mga Pilipinong mananayaw ang mga pintuan at daanan.

“Ang pagdiriwang na ito ay ang aming ganting Pasasalamat sa aming mga parokyano na patuloy na tumatangkilik sa Pechanga,” ayon kay Alex Rodriguez, tagapangulo ng komiteng Pilipino ng resort.  “Marami kaming kakilala na mayroong personal at pampamilyang pagdiriwang na dadaluhan kaya’t ginawa naming limang araw ang aming pagdiriwang.  Para sa mga interesadong mapagalaman ang Kulturang Pilipino, ito na ang mainam na paraan para maranasan nila ang pagkaing Pilipino, kasama na rin ang musika at aliwan, tradisyon at kulturang Pilipino sa mga naninirahan sa Southern California.”

Talatakdaan ng mga Kaganapan 

Martes, June 12, 2012 

  • Hot Seat Promo sa buong Casino: $12,500 sa EasyPlay.  $500 kada 30 minutos sa EasyPlay slots at table games
  • Roving Dance Troup: mula 5-8 PM sa buong resort
  • Cabaret Lounge:  Filipino Karaoke kasama si DJ Raul Maliksi, 8 PM-12 AM 

Miyerkules, June 13, 2012 

  • Cabaret Lounge:  Rising Star Band, 8 PM-12 AM 

Huwebes, June 14, 2012 

  • Gary Valenciano Live!  sa Pechanga Theater, 8 PM-12 AM 

Biyernes, June 15, 2012 

  • Gary Valenciano Live!  sa Pechanga Theater, 8 PM-12 AM
  • Pagkaing Pilipino sa Food Court, 11 AM-3AM
  • Comedy Club: Edwin San Juan, dalawang palabas, 7:30 PM at 9:30 PM, $22 bawat palabas + 2 drink minimum
  • Cabaret Lounge: Hot Sauce Band, 9 PM-1 AM, Libre! 

Sabado, June 16, 2012 

  • Pagkaing Pilipino sa Food Court, 11 AM-3AM
  • Ballroom Foyer:  Filipino Cultural Exhibit Booths, 2PM-10PM

              (Booth set-up 12 PM)

  • Roving Dance Troup:  5-8 PM, kada 30 minutos
  • Comedy Club: Edwin San Juan, dalawang palabas, 7:30 PM at 9:30 PM, $22 bawat palabas + 2 drink minimum
  • Cabaret Lounge: Hot Sauce Band, 9 PM-1 AM, Libre!
  • Grand Ballroom: Buffet/Variety Show kasama si Thage Montecarlo On Stage Productions, 6-11 PM ($40)
  • Raffle Draw: $2500 sa promo giveaways 

Tungkol sa Pechanga Resort & Casino 

Bilang pinakamalaking Casino sa Kanlurang bahagi ng Estados Unidos, ang Pechanga ay nahahatid ng kumpletong serbisyo bilang “AAA Four-Diamond Luxury Resort” sa  Temecula Valley na tinaguriang “Wine Country ng Southern California.”   Mayroon silang 3,8000 slots, mahigit 130 table games, at 54-mesang poker room.  Ang “Journey at Pehcanga course” ng resort ay binansagan na pang-apat na “Best New Course You Can Play” ng GOLF Magazine sa taong 2009.

Ang resort na may laking 445-acres ay maroong spa na kumpleto rin ang serbisyo, tampok ang couples massage suite, siyam na award-winning restaurants, isang food court na bukas ng 24 oras, mga naglalakihang palabas sa Pechanga Theater, mga katawa-tawang palabas sa Comedy Club, world title boxing events, at tatlong clubs at lounges, kasama na ang Silk – ang pinakamalaking nightclub sa Southern California.

Ang Pechanga Resort & Casino ay matatagpuan sa 45000 Pechanga Parkway malapit sa I-15 sa Temecula, CA.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2WIN o pumunta sa Pechanga.com.

About the Author

Related Posts