(818) 552-4503

i-Vice Ganda Mo ‘Ko sa Pechanga

(www.pechanga.com)

(www.pechanga.com)

TEMECULA, Calif. (Pebrero 11, 2014) – Dadalhin ni Vice Ganda, isa sa mga pinakamainit na komedyante at artista sa Pilipinas, ang pinakahihintay na pinakabago niyang concert series na pinamagatang “i-Vice Ganda Mo ‘ko sa Amerika” sa Pechanga Theater sa Temecula, California. Ang palabas na nagsimula sa ilalim ng orihinal na pamagat na “i-Vice Ganda Mo ‘ko sa Araneta,” ay unang lumabas noong nakalipas na taon sa Smart Araneta Coliseum o “Big Dome” sa Maynila kung saan natamo nito ang posisyon bilang pinakamalakas na palabas na pinangungunahan ng isang lokal na artista, ayon sa ABS-CBN News. Ito ay ang pangatlong palabas ni Vice Ganda sa popular na tanghalang ito.

Sa kasalukuyan, si Vice Ganda ay isa sa mga regular na TV host ng “It’s Showtime,” isang lingguhang variety show tuwing tanghali sa ABS-CBN. Mapapanood din siya sa kanyang sariling talk show tuwing Linggo, ang “Gandang Gabi Vice.” Siya rin ay lumabas sa maraming sikat na programang pang telebisyon, tulad ng “Pilipinas Got Talent” at ang popular na telenobelang “Juan Dela Cruz.” Siya ay isang matagumpay na mang-aawit at artista ng pelikulang Pilipino, kung saan siya ay lumabas sa napakaraming pelikula, kasama na ang tatlo sa mga pangunahing pelikula sa takilya.

Ang pagtatanghal sa Pechanga Resort & Casino ay magiging isang mahalagang pangyayari sa buong karera ni Vice Ganda. Sa loob ng dalawang gabi, siya ay inaasahang magbigay ng malalaking produksiyon at walang tigil na katatawanan at aliw. Kasama niya ang kanyang mga espesyal na panuhin na sina Eljay Falcon, ang nagwagi sa “Pinoy Big Brother Teen Edition,” at ang komedyanteng pareha nina MC and Lassy.

Ang unang palabas ay sa Sabado, Marso 8, alas-otso ng gabi, at ang pangalawang palabas ay sa Linggo, Marso 9, alas-singko ng gabi. Ang presyo ng mga tiket ay $118, $98 at $78. Ang mga tiket ay mabibili mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-otso ng gabi sa Pechanga Box Office (877) 771-2946 o sa www.Pechanga.com/tickets.

Halina at ng maranasan ang lahat ng ito sa Pechanga Resort & Casino!

Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa buong bansa. Hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na paraan para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon. Naghahandog ng mahigit sa 3,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 na kuwarto sa hotel nito, mga kainan, spa at championship golf sa “Journey at Pechanga,” ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad. Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2946 o pumunta sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @PechangaCasino. Ang Pechanga Resort & Casino ay bukas ng 24 oras. Ang mga panauhin ay dapat na may edad 21 anyos at pataas para makapasok sa casino.

About the Author

Related Posts