(818) 552-4503

Filipino Superstar Anne Curtis katulong ng Pechanga Resort & Casino sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas

Comment: Off

6647

Temecula, California (Mayo 15, 2013) – Isang “Double threat” – isang bituin ng pelikula/telebisyon at mang-aawit sa Pilipinas, at isa sa mgapinaka-tanyag na artistang Pilipino na si Anne Curtis ay darating sa Pechanga Resort & Casino para ipagdiwang ang ika-115 na Araw na Kasarinlan ng Pilipinas sa Hunyo 15, 2013 ng alas-otso ng  gabi sa kanyang palabas  na pinamagatang “No Other Concert.”  Ang pangalawang  palabas ay itatanghal sa Hunyo 16 ng alas-siyete ng gabi.  Kakantahin niya ang  ilan sa kanyang mga sikat na awitin mula sa kanyang album na “Annebisyosa,” kasama na ang “Tinamaan Ako” at “Mouth.”  Siya ay mapapanood sa entabladong Pechanga Theater saSabado, Hunyo 15 at Linggo, Hunyo 16 sa 8:00 PM, kasama ang kanyang mga espesyal na panauhing sina Nina at Derek Ramsay.  Ang mga  tiket na may halagang $70, $80 at $90 ay mabibili sa Pechanga Box Office, sa pamamagitan ng  pag-tawagsa (877) 711-2946, at sa internet sa www.Pechanga.com/tickets.

Ang Hunyo 12 ay ang “Day of Freedom” o Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas  -isang pambansang pagdiriwang na nagpapahalaga sa deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya sa taong 1898. Ang Pechanga Resort & Casino ay naghahanda ng napakaraming mga pakana upang ipagdiwang ang cultural na kaganapang ito.  Sa araw na ito, ang mga panauhin na may edad na 21 at pataas ay maaaring manood ng libreng palabas mula sa mga Pinoy na mang-aawit sa Cabaret Bar, at marami pang karagdagang mga espesyal na pakulo sa buong resort.

Ang mga palabas sa Pechanga Theater ay may handog na maginhawa at matalik na concert experience.  Ito ay mayroong 1,200 na upuan at ang bawat palabas ay gumagamit ng kanilang state-of-the-art at walang palyang  tunog.  Ang kasiyahan sa panonood ng mga paborito ninyong artista  sa Pechanga Theater, kumpara sa ibang mga lugar, ay napatunayang walang katumbas, at mayroon pang libreng valet at self-parking para sa mga panauhin, libreng casino/resort shuttles, gourmet at casual na kainan, at maginhawang mga upuan at malapitang pananaw mula  sa bawat silya sa tanghalang ito.

Ang mga padating na   Pechanga Resort & Casino ay kasama ang:

Mayo 19 – Il Divo – $85, $95 at $125

Mayo 24 – Billy Idol – $80, $90 at $105

Hunyo 5 – Scott Weiland & the Wildabouts – $25, $35 at $45

Hunyo 7 at 8 – Paul Anka – $75, $85 at $95

Hunyo 21 – Cyndi Lauper – $45, $44 at $65

Hunyo 22 – Annual   BBQ Championships – $5

Hunyo 28-30 – 18th Annual Pechanga Pow Wow – Free

Hulyo 5 – Comedian Jim Gaffigan – $40, $45 at $55

Hulyo 13 – 5th Annual Pechanga Microbrew Festival – $25 at $45

Hulyo 13 – Karen Tong & Samuel Tai (Chinese concert) – $48, $68, $98 at $118

Hulyo 27 – Byun Jin-Sub (Korean concert) – $65, $85 at $105

Agosto 4 – Diana Ross – $90, $100 at $115

Agosto 9 – Chicago – $81, $91 at $101

Agosto 11 – Chris Isaak – $50, $60 at $70

Setyembre 27 at 28 – Comedian Brian Regan – $60, $65 at $75

Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang pinakamalaki at makaganap na kasiyahanna pang resort/casino kahit saan sa dakong kanluran ng Estados Unidos.  Hinirang na“Four Diamond property”ng AAA mula pa noong 2003, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na daanan, para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon.  Naghahandog ng mahigit sa 3,000 sa pinakamainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 nakuwarto  sa hotel nito, mgakainan, spa at championship golf sa Journey at Pechanga, ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa   kagustuhan ng mga panauhin  nito at ng   komunidad.  Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng  mga Luiseño Indians.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-888-PECHANGA (1-888-732-4264) o pumunta sa www.Pechanga.com.  Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @Pechanga Casino.  Ang Pechanga Resort & Casino ay bukas ng 24 oras.Ang mga panauhin ay may dapat na  may edad ng 21 anyos at pataas  para makapasok sa casino.

 

About the Author

Related Posts