(818) 552-4503

Elegante at Kaswal na Sushi at Oyster Bar Pumalit sa Seafood Grotto sa Loob ng Pinakamalaking Resort at Casino sa Estado, Ang Pechanga Resort at Casino

Posted On 2014 Jun 10
Comment: Off

–Inihahandog ng Pechanga Resort & Casino and Bagong Restaurant at Menu sa Umi Sushi & Osyter Bar–

Umi Sushi Bar at Pechanga Resort & Casino

Umi Sushi Bar at Pechanga Resort & Casino

Kabilang sa multi-milyong dolyar na pagbabago sa Pechanga Resort & Casino ngayong Fall at Winter 2013, malugod na binabati ng Umi Sushi & Oyster Bar ang mga bisita sa kaaya-ayang kapaligiran na puno ng makabago at piling mga seafoods kaakibat ang panlasa mula South America. Noong Lunes, Disyembre 30, binuksan ang pinto ng Umi Sushi & Oyster Bar sa publiko, tiyempo sa bisperas ng Bagong Taon at sa araw ng Bagong Taon kung saan dumagsa ang libo-libong mga bisita sa Pechanga Resort & Casino. Kaysa sa madilim at mistulang-ilang na  lugar ng Seafood Grotto, na misyong pinalitan, ang mga bisita ay bubulagain ng nagniningning na full cocktail bar habang bumabaybay sa himpilan ng hostess. Gayundin sa naturang restaurant nakapaloob ang tatlong-kantong sushi bar na may buhay na tabla at kumikinang na marble. Komportableng booth at mga upuan ang tatambad sa dalawahan at mga grupong panauhin. Ang Umi Sushi & Oyster Bar ay bukas sa gabi mula alas 5:00 ng hapon. Sa anumang impormasyon o pagpapatala patungkol sa Umi Sushi & Oyster Bar bumisita lamang sa www.Pechanga.com o tumawag sa (877) 711-2946.

Umi Sushi Chefs

Umi Sushi Chefs

Bio ng Sushi Chef

Chef Masahito ‘Masa’ Nagashima,

Chef Masahito ‘Masa’ Nagashima,

Si Masahito ‘Masa’ Nagashima, mula Kanagawa, Japan,  ay nag-aral ng Italian at French na pagluluto mula Yokohama. Sa New York City, siya’y nag trabaho sa ilang kilalang Japanese fusion restaurants. Mula dito, siya’y nag-empleyo sa pinaka-malalaking hotels at resorts sa Southern California.

Chef Ichiro ‘Jake’ Takao

Chef Ichiro ‘Jake’ Takao

Si Ichiro ‘Jake’ Takao naman ay lumaki sa isang pook ng mangigisda sa Japan. Ang kanyang pamilya ay nagbukas ng isang sikat na ocean front restaurant kung saan siya’s nakatalaga sa mga bagong huling seafoods. Si Jake at ang kanyang pamilya ay nanirahan sa isang maliit na bayan sa  Temecula kung saan binuksan ng kanyang pamilya ang ‘Nihon’ restaurant at sushi bar. Dito, si Jake ay nagmistulang isang sikat na artista. Sa kasalukuyan, kilala siya ng mga taong bumibista sa Umi Sushi & Oyster Bar.

Chef Kazuhisa ‘Kaz’ Miyano

Chef Kazuhisa ‘Kaz’ Miyano

Si Kazuhisa ‘Kaz’ Miyano, ng Saitama, Japan, ay dumating sa California noong kaagahan ng 1980s bilang sushi chef at nagtrabaho sa pinaka-premyadong sushi bar sa Los Angeles, kabilang ang Hamayoshi restaurant. Noong dekada 90s, lumipat si Kaz sa San Diego, California, at lumahok sa award-winning na restaurant, ang Cafe Japango, kung saan natutunan niya ang kombinasyon ng tradisyonal na Japanese at istilo sa makabagong pagluluto ng French.

Mga Pagpipilian sa Umi

Chef Damian Stanley

Chef Damian Stanley

Ang Chef de Cuisine ng Umi Sushi & Oyster Bar, si Damian Stanley, ang nagdedesisyon sa mga pagpipiliang uri ng sushi, sashimi, hand rolls, cut rolls, raw bar, small plates (appetizers) and big plates (entrees) current, cutting-edge and comforting.  Ang mga klase gaya ng clam chowder na inihahahin sa sourdough bread bowl gaya ng piers sa San Francisco, ang gumbo at jambalaya na ayon sa kanya ay kaaya-aya. Sa ngayon, ang mga pagkain ay  kinabibilangan ng Japanese-South American fusion gaya ng Seared Miso Anticuchos Chilean Sea Bass na may Peruvian Corn at Soy Glaze, o ang Octopus a la Planch kasama ng Quinoa Salad, Confit Fingerling Potatoes, Tomato Marmalade and Chimichurri Drizzle. Pinagmamalaki rin ang mga menu gaya ng Bone Marrow Lobster with Pear, Tatsoi Salad, Celery Root Skordalia and Black Truffle Vinaigrette at ang paboritong putahe na Salmon, hinahain kasama ng Panela Glaze, Tomatillo Quinoa at ang Citrus-Olive Compote.

Bagong Benepisyo ng Membership Rewards

Kung kayo’y hindi pa miyembro ng The Club at Pechanga, ang pagiging miyembro ay libre at madali. Inaalok sa lahat mula 21 taong gulang pataas na may wastong ID, mangyaring dumaan lamang sa club desk at agad ay makakamit ninyo ang mahahalagang bagay kaakibat ng inyong paglalaro sa inyong mga paboritong slots at table games. Ang mga bagong miyembro ng The Club at Pechanga ay maaring mag SPIN TO WIN sa garantisadong Club Dollars hanggang $1000! Mas Madalas na Paglalaro, Mas Marami ang Bayad Namin! Sa iba pang impormasyon, tumawag sa (877) 711-2946 o mag-log  sa www.Pechanga.com.

Umi - Caterpillar Roll

Umi – Caterpillar Roll

Umi Dessert

Umi Dessert

Umi-Albacore Tuna Sashimi

Umi-Albacore Tuna Sashimi

Umi - Red Dragon Roll

Umi – Red Dragon Roll

Inaalok ng Pechanga

Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa buong bansa.  Hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na paraan para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon.  Naghahandog ng mahigit sa 3,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 na kuwarto sa hotel nito, mga kainan, spa at championship golf sa “Journey at Pechanga,” ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad.  Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2946 o pumunta sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @PechangaCasino.  Ang Pechanga Resort & Casino ay bukas ng 24 oras.  Ang mga panauhin ay dapat na may edad  21 anyos at pataas para makapasok sa casino.

 

About the Author

Related Posts