(818) 552-4503

Ang Triple Threat 2013 US Tour ay darating sa Pechanga Resort & Casino

TripleThreatAng Triple Threat concert series na pinangungunahan nina Piolo Pascual, Angeline Quinto at Pokwang ay magpapasimula ng kanilang 2013 tour sa Temecula, California sa Marso 23, 2013.  Ito ay itatanghal sa tanyag na Pechanga Theater sa Pechanga Resort & Casino.

Ayon sa opisyal na Facebook page ni Piolo Pascual, ang tour ay magkakaroon ng pangalawang palabas sa Las Vegas, Nevada sa Marso 24 sa Gold Coast Hotel & Casino, at ang pinakahuling palabas ay magaganap sa New Jersey sa Marso 30 sa Count Basie Theater.

Ang “Triple Threat” ay popular na salita na gamit ng mga taga showbiz sa Pilipinas.  Ito ang tawag sa mga artista na may talento sa tatlong bahagi ng industriya, tulad ng pelikula, telebisyon at musika.   Sa madaling salita, ang mga pangunahing artista ng palabas na ito ay tatlo sa mga pinakamagaling na “Triple Threats” sa Pilipinas.

Isang tubong Maynila, si Piolo Jose Nonato Pascual o Piolo ay isa sa mga pinakamalaking artista ng pelikulang Pilipino, gayon din sa telebisyon at musika.  Siya ay nakatanggap na ng ibat-ibang parangal at nominasyon mula sa mga pangunahing organisasyon at akademya ng sining, tulad ng Philippine Movie Press Club (PMPC), FAMAS, Star Awards, Golden Screen Awards at Gawad Urian.  Siya rin ay kinilala bilang “Mr. RP Movies,” dahil sa lakas niya sa takilya, ng Guillermo Mendoza Scholarship Foundation para sa mga taong 2003 hanggang 2005.  Dugong Aleman, Amerikano at Pilipino, siya rin ay isa sa mga pinakahinahangad na mga modelo sa Pilipinas.

Si Piolo ay mapapanood sa “ASAP XV,” isang sari-saring palabas sa telebisyon tuwing tanghali mula sa ABS-CBN, ang TV network na may ari ng The Filipino Channel (TFC).  Siya ay nagsimula sa telebisyon sa taong 1994 noong ipinakilala siya sa “That’s Entertainment” na isang palabas para sa kabataan.  Ang kanyang unang pagganap sa pelikula ay sa “Vizconde Massacre: God Help Us!” kung saan ay nakasama niya si Kris Aquino, noong 1993.

Siya ay nagtatanghal na sa mga konsiyerto simula pa noong 2001 at nalibot na niya ang buong mundo, sa  pamamagitan ng pagdadala ng musikang Pilipino para sa kanyang mga tagahanga sa ibat-ibang lugar.  Para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Piolo, pumunta sa www.Piolojosepascual.com.

Si Angeline Quinto ay sumikat sa larangan ng musikang Pilipino noong 2002 bilang isa sa mga kalahok ng “Star for a Night,” isang sikat na paligsahan sa pag-awit na naglunsad sa mga karera nina Sarah Geronimo at Mark Bautista.  Mula noon, si Angeline ay lumabas at nanalo sa ibat-ibang paligsahan sa pag-awit at pumirma ng eksklusibong kontrata mula sa Star Records.  Ang kanyang unang album ay nakakuha ng sertipikasyong platinum mula sa PARI kamakailan lamang, at siya ay matagumpay na naglunsad ang kanyang unang solo concert noong 2011.  Siya ay nagsagawa ng maraming awiting pang-telebisyon at pelikula.  Siya rin ay naging pambungad na mang-aawit sa U.S. concert tour ni Sharon Cuneta .  Sa kasalukuyan, siya ay mapapanood sa “ASAP Rocks” ng ABS-CBN.  Para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Angeline, pumunta sa www.Angelinequinto.com.

Si Marietta Subong o Pokwang ay isang batikang Pilipinong komedyante, manggagaya, aktres, mang-aawit at TV host.  Kasalukuyang nasa tugatog ng kanyang tagumpay, si Pokwang ay nakatanggap ng karangalan bilang Best Comedy Actress mula sa PMPC at Best Female Comedian mula sa People’s Choice Awards ng Pilipinas.  Bilang isa sa mga bituin ng grupong “Star Magic” ng ABS-CBN, siya ay madalas na mapapanood sa kanilang mga palabas sa telebisyon, konsiyerto at pelikula.  Siya ay nagsimulang sumikat noong siya’y mapanood bilang isa sa mga kalahok ng “Yes Yes Show” noong 2004.

Ang Triple Threat ay handog ng Berce Enterprises, na may nakahilera nang mga bagong palabas – tulad ng “Star Magic 20 Tour” sa Hawaii, na pinangunguhanan din nina Piolo Pascual, Angeline Quinto at Pokwang, at kasama rin ang iba pang artista ng ABS-CBN; ang “Teleserye Bida Tour” sa Los Angeles, Union City, Chicago at Anchorage; at ang “4 Da Best U.S. Tour,” na pinangungunahan din ni Pokwang.  Kasama rin sa palabas ng Triple Threat sa Pechanga Theater sina Lucidelle, Jojo Bondoc at ang Melija Divalicious Ladies.  Ang palabas na ito ay magsisimula ng alas-8 ng gabi.

Ang mga tiket ay mabibili sa Pechanga Box Office sa halagang $68 at $88. Ang mga tiket na pang-VIP ay mabibili din sa halagang $110, na may kasamang photo-op.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Pechanga Box Office sa (877) 711-2946.

Halina at ng maranasan ang lahat ng ito sa Pechanga Resort & Casino

Bilang pinakamalaking casino sa kanlurang Amerika, ang Pechanga ay napapaloob sa AAA Four-Diamond Luxury resort na nasa puso ng Southern Californiaʼs Wine Country sa Temecula Valley. Ito ay mayroong mahigit sa 3,800 slots, higit pa sa 130 table games, at 54-table poker room.  Ipinagmamalaki ng resort ang pinag-ibayong lupain ng Journey at Pechanga course, na tinaguriang ika-apat na “Best New Course You Can Play” ng GOLF Magazine noong 2009.  Ang 445-acre resort ay may kumpletong serbisyo sa kanilang spa, tampok ang coupleʼs massage suite; siyam na award-winning restaurants; food court na bukas ng 24 oras; mga sikat na bituin sa Pechanga Theater; mga labanan ng world title boxing;  isang comedy club; at tatlong night clubs at lounges, kabilang na ang Silk – ang pinakamalaking nightclub sa Southern California.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2win (1-877-711-2946) o pumunta sa www.Pechanga.com.  Lokasyon: 45000 Pechanga Parkway, Temecula, CA 92592.

Sakay na sa Fortune Bus   (Come ride the Fortune Bus)

Ang Fortune Bus ay bumibiyahe ng balikan sa Pechanga Resort & Casino araw-araw.  Halina na kayo at makibahagi sa kasiyahan.

map

Ang Fortune Bus ay mayroong mahigit sa animnapung hintuan mula Los Angeles hanggang Orange County.  Tumawag sa Pechanga Group Sales sa (951) 770-2579.

The Fortune Bus has over 60 bus stops from Los Angeles to Orange County.  Call Pechanga Group Sales at (951) 770-2579.­

About the Author

Related Posts